Akala ko ganun din mangyayari ngaun umaga. Pero hopeful pa rin ako kasi most of the time ung mga morning opps malalaki ang value. And tama ako. Andaming nagbagsakan. As in. lahat nakaputi. Nakakuha ako ng tatlo. Syempre, quota na. So nag logoff na ko kasi marami akong trabaho offline.
Ang una kong ginawa sinalang ko ung apat na kurtina na makakapal at mahahaba at mabibigat sa aking washing machine. Tapos binabad ko ung puti. Papasok na ulit sana ako ng bahay ng mapuna ko na ung LED ng aking WM ay nde nakailaw. Aha! Problema. Akala ko natisod ko lang ung extension pero nung isaksak kong mabuti wala pa rin. Nagblink lang once ung LED tapos wala na. Nagpalit ako ng extension pero walang nangyari. Naku patay na. Ang dami ko pa manding lalabhan. 4 na kurtina, 2 bed sheet, 2 kumot at anim na punda ng unan. Maglalaba pa ko ng mga damit namin atsaka mga basahan. Waaah!
Syempre ang lola, naasar na. Hanap nung warranty card. Binili pala namin ung WM nung July 29, lampas na sa store warranty. Buti na lang nag avail kami ng extended warranty. Kung nde kawawang Milet ka. Ung WM pa mandin ay isa sa mga pinakamahal naming household appliances. Mahal pa yata sa oven ko un eh.
Tumawag na ko dun sa pinabilhan namin. Kailangan daw nila ung resibo. Ayun hanap ang lola mo. Kaso wala talaga. Nde ko maisip kung san ko nilagay. Badtrip. Sabi nung sales rep, gawa na lang daw ako ng affidavit of loss. Anak ng pating, punta pa ko ng munisipyo.
Sa isip ko nagpaplano na ko na bukas gagawin ko na ung affidavit of loss. Pero ngaun handwash muna beauty ko. Kaasar. Tambak pa naman labahin ko. Kaya I decided na hanguin na ung mabibigat na kurtina sa washing machine ko. Pero naisip kong itry ulit sindihan.
Kinuha ko ung extension, sinaksak ko ulit ung WM. Tapos nun ko napagtanto na kanina na mali ung pinupindot kong button para mag on ung WM. Ang aming washing machine kasi ay high tech. Ang aking asawa ang pumili nito kasi daw ay LUPUS FRIENDLY ito. Ang kailangan ko lang ay ilagay ang mga damit, ilagay ang sabon at downy at sya na bahala sa lahat. Pipili na lang ako kung anong gusto kong manner ng paglalaba at ung WM na bahala. Soak, wash, rinse, dry. Ung ang mga process na ginagawa ng aking WM.
Natatawa akong naasar. Ang simpleng problema bakit ko pinakalaki. Ayun tuloy nasira ang schedule ko. Nde tuloy ako nakatakbo sa aking treadmill. Nakakaasar. At yun lahat ay dahil sa aking katangahan.
Pero kung tutuusin may karapatan din naman akong malito sa dami ng mga pindutan di ba ? lol.
Pilit kong pinipindot ung nasa dulong kanan pero ang dapat talaga ung sa dulong kaliwa. Ung sa dulong kanan kasi pipindutin mo para umandar na ung WM pero dapat gawin mo un pagkapindot nung nasa dulong kaliwa kasi un ang on/off button.
Waah! Katangahan to the max and to think na one year ko ng ginagamit to.






2 comments:
OK lang iyan, lahat naman tayo nagdaraan sa ganyan, basta lang ba hindi mo gawing permanente hehehe!
heheheh!!! ntawa ako :D pero sis, ok lang yun valid naman ang justificationmo eh, dami nga ng buttons kakaloka! :D
Post a Comment